Gurong Pilipino: Turo mo, Kinabukasan ko

Ang mga guro ay tunay na mga bayani. Sila ay ang ating pangalawang magulang. Marami ang naibibigay na kontribusyon ang mga gurong Pilipiuno sa mga estudyanteng tulad ko dahil sila ang nagiging daan upang makamit natin ang ating mga minimithi. Sa kabila ng mababang pasahod at kaunting benepisyong natatanggap nila buwan-buwan, hindi pa rin sila nagsasawang magturo dahil para sa mga guro ang tunay nilang kaligayahan ay ang makigang magtagumpay ang kanilang mga estudyante. Iba iba man ang estilo ng pagtuturo ng ating mga guro, nasisiguro kong iisa lamang ang kanilang layunin. Ito ay ang mapausbong at mahasa ang mga kaalaman at talento ng kanilang mga estudyante. Hindi lamang mga aral tungkol sa propesyong ating pinapangarap ang kanilang itinuturo kundi ay pati mga aral sa buhay na mababaon sa utak at puso ng mga mag-aaral.

At ito ang nais ipaliwanag ng temang "Gurong Pilipino: Turo mo, Kinabukasan ko". Sinasabi ng temang ito na ang mga gurong Pilipino ang tulay upang mapaunlad ang kinabukasan ng mga mag-aaral. Tunay na kahanga-hanga ang ating mga guro kaya naman nararapat lamang na bigyan natin sila ng paggalang at pasasalamat.

Ang ating kinabukasan ay utang na loob natin sa ating mga dakilang.

Comments

Popular posts from this blog

REFLECTION

Filipino's Resiliency

Filipino: Wika ng Saliksik